Novavax COVID-19 vaccine, mahigit 90% effective sa US Trial

Inanunsyo ng Novavax na mahigit 90% effective ang bakuna nito kontra COVID-19, kasama na ang iba’t-ibang variants ng coronavirus, sa large, late-stage, US-based clinical trial.

Kasama sa pag-aaral ang halos 30,000 volunteers mula sa Estados Unidos at Mexico.

Inihayag ng Novavax na kasabay ng kanilang trial noon ay ang pagkalat ng Alpha virus variant na unang natuklasan sa United Kingdom at sa kasalukuyan ay ito na ang pinakakalat na virus variant sa buong Estados Unidos.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Dahil sa matagumpay na trial ay sinabi ng kompanya na on-track na ito sa pagkuha ng emergency authorization para sa Novavax sa Estados Unidos at sa iba pang mga bansa sa ikatlong quarter ng 2021.

Read More:  Pope Leo XIV needs no further cancer treatment after lung surgery

Ipinunto ng Novavax na 93% effective ang protein-based vaccine laban sa coronavirus variants.

Ang protein-based vaccines ay ang conventional approach sa paggamit ng purified pieces ng virus para gumawa ng immune response, katulad ng ginagamit sa ubo at shingles.