Isa sa mga reklamo kaugnay ng mga nawawalang sabungero, posibleng mabasura ng DOJ

Posibleng mabasura ng Department of Justice ang isa sa mga reklamo kaugnay ng mga nawawalang sabungero dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensya.

Hindi tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kung alin sa mga nakabinbing reklamo ang maaaring ibasura.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Dalawang kaso ang isinampa sa korte na kinasasangkutan ng isang ahente na dinukot umano ng mga pulis at isang grupo ng mga sabungero na nagtungo sa Manila Arena.

Read More:  Lacson rejects alleged ₱5 million TESDA fund offer from Secretary Benitez

Samantala, sinabi ni Remulla na “never too late” ang pagbuo ng tracker teams para hanapin ang mga suspek matapos magpahayag ng pagkadismaya ang isa sa pamilya ng nawawalang sabungero sa pagkaantala ng pagbuo nito.//CA