Isang babae, nahablutan ng cellphone sa highway ng Puerto Princesa

Iniimbestigahan na ng pulisya ang snatching incident sa kahabaan ng National Highway Barangay Tiniguiban sa Puerto Princesa City nitong gabi ng Sabado, May 6.

Ayon sa biktimang si Camilla Rose Andrade, naglalakad lang siya habang kausap ang kanyang ina sa cellphone nang biglang dumating ang riding-in-tandem na nakasuot ng full face helmet.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang angkas umano ang humablot sa kanyang cellphone habang siya’y nakatalikod bago ito biglang tumakas.

Sinubukan umano ng biktima na hilain ang damit ng mga suspek subalit nabigo siyang pigilan ito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Tumulong rin ang isang estudyante na humabol sa mga suspek ngunit masyadong mabilis ang pagmamaneho ng mga salarin hanggang sila’y nakarating sa harap ng seed farm.

Samantala, pinag-iingat ng Anti- Crime Task Force ang publiko sa masasamang loob sa lahat ng oras.