Publiko, pinag-iingat ng Camarines Norte Anti-Cybercrime laban sa scareware

CAMARINES NORTE- Pinag-iingat ang publiko ng Camarines Norte Anti-Cybercrime laban sa scareware

Ang scareware o panakot ay isang modos kung saan paniniwalain ang biktima na nahawaan ng virus ang kanilang computer. Karaniwan, makikita ng isang user ang scareware bilang isang pop-up na babala sa kanila na ang kanilang system ay nahawaan.

Read More:  FEU Alabang suspends classes, onsite work amid bomb threat

Ang taktika ng pananakot na ito ay naglalayong hikayatin ang mga tao na mag-install ng pekeng antivirus software upang alisin ang virus. Kapag na-download na ang pekeng antivirus software na ito, maaaring mahawa ng malware ang iyong computer.

Read More:  1,840 liters of diesel worth ₱184,000 seized in Negros Occidental

Ayon sa Camarines Norte Anti-Cybercrime, kung may reklamo, katanungan, at suhestiyon ay maaring makipag-ugnayan sa kanilang official Facebook account o personal na magsadya sa kanilang tanggapan.

PHOTO FROM THE WEB