Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na nirereview pa ang posibleng muling pagbubukas sa mga cenimas, sa gitna na marami nang negosyo na may indoor activities ang pinayagang mag-operate sa militadong capacity sa Metro Manila.
Ayon kay Lopez, kailangan ang mas maraming pag-aaral para ma-assess ang health risks, lalo na’t ang may ganoong venue kung saan ang ilaw ay madilim ay posibleng malabag ang minimum health standards.
Maliban dito, kailangan ring ikonsidera ang aspeto ng ventilation.
Dagdag ng DTI chief, nag-iingat ang gobyerno sa pagpapahintulot sa mga indoor activities, lalo na’t may banta ng mga bagong COVID-19 variants. // MHEL PACIA -TRINIDAD