15 opisyal ng gobyerno, nominado sa Dangal ng Bayan awards 2023 Search for Outstanding Government Workers

LEGAZPI CITY – Nasa labinlimang mga opisyal ng gobyerno ang nominado para sa ‘Dangal ng Bayan’ Awards 2023 Search for Outstanding Government Workers.

Ayon sa Civil Service Commission (CSC) Bicol, ang mga nominado ay mula sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Naga City, Camarines Norte at Sorsogon City.

Read More:  ₱1.2M worth of fake food seasoning voluntarily surrendered in Bacolod

Karamihan sa mga nomido ay mula sa BJMP, DEPED at Provincial Government.

Binigyan naman ng pagkakataon ang publiko na magbigay ng kanilang negatibo o positibong komento sa mga nominado bago ang nakatakdang pagpaparangal na gaganapin sa Mayo 10 ngayong taon.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Ang nasabing parangal ay igagawad sa mga huwarang manggagawa ng gobyerno para sa kanilang pagganap sa serbisyo-publiko at pagpapakita ng etikal na pag-uugali alinsunod sa walong pamantayan sa ilalim ng RA 6713.