Bride patay, groom sugatan matapos masagasaan ng lasing na driver ilang oras matapos ang kanilang kasal

Patay ang isang babaeng taga-North Carolina matapos magkapalitan ng kanilang “i do” ng kanyang asawa sa isang car crash dulot ng isang lasing na driver ilang oras matapos ang kanyang kasal.

Sa ulat ng Associated Press, ang 34-year-old na si Samantha Miller ay kakakasal lang sa kanyang partner na si Aric Hutchinson at aalis na sana sa kanilang wedding reception sakay sa isang golf cart, nang mahagip ang kanilang sasakyan.

Read More:  More than 100 reported dead in Central African Republic Gold Mine collapse

Ang banggaaan ay nangyari sa isang beach sa South Carolina.

Kasalukuyang nasa ospital si Hutchinson at nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo ng bali sa kanyang buto at brain injury.

Read More:  More than 60% of American say Trump’s crypto profits improper

Ang lasing na driver na kinilalang si Jamie Lee Komoroski ay sinampahan na ng kasong reckless vehicular homicide at 3 counts ng driving under the influence resulting in great bodily injury.//CA