ISANG BAHAY SA IGUIG, TINUPOK NG APOY; HALAGA NG PINSALA, AABOT SA P50,000

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Malabbac, Iguig, Cagayan kung saan tinatayang nasa P50,000 ang naitalang pinsala.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni Senior Fire Officer 2 Eduardo Rejado na ang nakikitang pinagmulan ng sunog ay ang leak sa valve ng gasul hanggang sa sumabog ang tangke.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Sa salaysay naman ng may-ari ng bahay na si Ginang Soledad, nagawa pa umanong takpan ng kaniyang manugang ang valve ng tangke upang maapula ang apoy ngunit sumabog ito na naging dahilan ng pagkatilapon ng kaniyang manugang sa labas na nagtamo ng gasgas sa katawan.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Wala namang naisalba na kagamitan ang mga biktima matapos maging abo lahat ang mga ito kaya’t nanawagan ang pamilya ni Nanay Soledad ng tulong sa publiko.

PHOTO: FOR ILLUSTRATION ONLY