Pagsasagawa ng full audit sa electrical system ng NAIA T3, tinitingnan ngayon ng DOTr

Tinitingnan ngayon ng Department of Transportation ang pagsasgaawa ng full audit sa electrical system ng NAIA Terminal 3 kasunod ng naranasang power outage kaninang madaling araw.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista , ang full electric system audit ay nangangailangan ng 60 hanggang 90 araw at inaasahan aniyang tatagal kung isasama ang dalawang NAIA terminals.

Read More:  Atty. Poa ready to testify in Sara Duterte impeachment trial

Layon ng full audit na  matukoy ang worthiness ng buong sistema, matukoy kung ano ang mga kailangang palitan at matiyak na hindi na mauulit ang aberya sa paliparan.

Read More:  Romualdez camp cites recantations, but Ombudsman cites 28 witnesses in flood control probe

Aniya, ang full audit ay nangangailangan ng malaking budget at ito ay maaaring sumailalim sa normal procurement process.

Matatandaang nangyari ang power outage sa NAIA T3 mula 1:05 a.m. hanggang 1:12 a.m. kanina na nakaapekto sa  9,000 na mga domestic passengers samantalang 24  round-trip flights naman ang nakansela.//CA