MIAA at Meralco, magsasagawa ng joint technical assessment upang matukoy ang naging sanhi ng power interruption sa NAIA terminal 3

Magsasagawa ng joint technical assessment ang Manila International Airport Authority at Meralco sa tulong ng isang independent third party expert upang matukoy ang posibleng sanhi ng power interruption sa NAIA terminal 3.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nakapag-usap na ang Meralco at DOTr kahapon para maiwasang maulit ang panibagong power outage sa NAIA Terminal 3 gayundin sa iba pang terminal.

Naisagawa na rin kahapon ang equipment tests at diagnosis at ang unang pagsusuri ay dahil umano sa faulty wiring o short circuit.

Read More:  Business group warns of economic risks in Jing Quan dispute

Samantala, mkikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa National Intelligence Coordinating Agency para imbestigahan ang mga posibleng security issues.//CA