150,000 na inahing manok namatay sa sunog sa isang farm sa Japan

Humigit-kumulang 150,000 inahing manok ang namatay sa sunog sa Minori Farm na isa nangungunang egg-producing prefecture sa Japan.

Sa ulat ng local police, walang naiulat na nasugatan mula sa mga farm workers.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang sanhi ng sunog.

Bukod sa insidente, pinapangambahan na rin ang kakulangan ng supply ng itlog sa Japan dahil din sa banta ng bird flu.

Halos 17 milyong manok na ang pinatay o humigit-kumulang 9 na porsyento ng mga inahing manok sa bansa mula nang matukoy ang unang kaso ng bird flu noong October 2022.//CA