Tulay na Lupa National High School, benepisyaryo ng isang Non-Government Organization; Dormitoryo, itinurn-over

CAMARINES NORTE- Itinurn-over ng isang Non-Government Organization ang isang proyektong dormitoryo sa isang paaralan sa Bayan ng Labo

Naganap ang Blessing at Turn Over Ceremony sa Tulay na Lupa National High School noong April 25, 2023.

Dinaluhan ito ng mismong Founder ng NGO na Angat Buhay na si Atty. Leni Robredo na s’ya ring Former Vice President ng Pilipinas kasama ang ilang kinatawan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Isa umano sa layunin ng NGO na makamit ang accessible at inclusive na kalidad ng edukasyon para sa bawat batang Pilipino habang isinusulong ang pagmamahal sa pag-aaral at tinitiyak na sila ay may kasanayan at kagamitan para sa trabaho.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Layunin din nito na magbigay ng mga pasilidad upang matiyak ang epektibong paghahatid ng pag-aaral sa mga rural at urban poor areas.