Kaso ng COVID-19 sa Albay, pumalo na sa 19

LEGAZPI CITY – Umabot na ngayon sa labingsiyam ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Batay sa datos mula sa Albay Provincial Health Office, nanguna rito ang Legazpi City na may limang kaso, sinusundan ng Daraga na may apat, tigdadalawa sa Camalig at Rapu-rapu, habang tig-iisa naman sa Tabaco City, Malilipot, Malinao, Pio Duran, Polangui at Sto. Domingo.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar
Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Patuloy naman ang pagpapaalala ng PHO na kinakailangan ang pagsuot ng facemask at paghuhugas ng kamay upang maiwasan na ang hawaan ng nasabing sakit.