Amang ginahasa umano ang sariling anak, arestado sa Batangas

Arestado ang isang amang itinuturing na most wanted person dahil sa 7 counts ng kasong Rape sa Barangay Buhay na Sapa, San Juan, Batangas.

Kinilala ng San Juan MPS ang suspek na si Wally Fredo Arendela y Bañez, 40 anyos, karpintero at residente ng Brgy. Laiya-Aplaya, San Juan, Batangas.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Naaresto ang naturang suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 87, Rosario, Batangas noong pang January 26, 2023.

Batay sa report, isang operasyon ang isinagawa ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing akusado.

Ang suspek ay itinuturong gumahasa sa kanyang sariling anak.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nangyari umano ang insidente noong Mayo 2, 2022 at Abril 21 hanggang 30, 2022.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng San Juan MPS ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997 at walang inirerekomendang piyansa para sa kanya.