Pagpapababa sa poverty rate ng bansa sa 8%, target ng gobyerno – Gov.Tamayo

KORONADAL CITY- TARGET ng gobyerno ng Pilipinas na mapababa sa 8% mula sa 18% ang poverty rate sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, Vice Chairperson ng Government Sector sa National Anti-Poverty Commission o NAPC.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon kay Tamayo na trabaho ng NAPC na imonitor ang mga plano, programa at proyekto ng gobyerno upang maibsan ang kahirapan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Pinasiguro naman ng gobernador na sa kabila ng kanyang bagong designation, hindi nito pababayaan ang kanyang obligasyon at mga ipinangakong proyekto para sa South Cotabato.