Kpop star na si “Moonbin” ng Astro, natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment

PUMANAW na sa edad na 25 ang K-pop star at miyembro ng boy band na Astro na si Moonbin.

Batay sa ulat ng Korean entertainment news, wala na umanong buhay nang matagpuan ng kanyang manager ang K-pop Idol sa loob ng kanyang tirahan sa Seoul’s Gangnam District, alas 8:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na ulat hinggil sa sanhi ng pagkamatay ni Moonbin ngunit ayon sa SoKor police, pinag-uusapan na umano nila ang posibleng pagsagawa ng autopsy sa bangkay nito.

Read More:  IU and Lee Jong Suk confirm breakup

Si Moonbin ay ipinakilala bilang bahagi ng boy band na Astro noong taong 2016 kasama sina Jinjin, MJ, Cha Eun-woo, Sanha, at Rocky.

Ang naturang grupo ay nagdaos rin ng concert sa Pilipinas nitong buwan lamang ng Marso.### JDR