Kalusugan ng mga atletang lalahok sa modified Palarong Bicol 2023 mahigpit na imo-monitor

NAGA CITY – Ipinaliwanag ni Dr. Michael del Rosario ng Division of City Schools ng Naga na siyang in-charge sa schedule of activities na mahigit nilang imo-monitor o babantayan ang kalusugan ng bawat mga atletang kalahok sa mangyayaring Modified Palarong Bicol 2023 na magsisimula na sa darating na April 27 sa lungsod.

Sa pagharap sa ginawang press conference kahapon, sinabi ni Del Rosario na kahit wala na silang anumang health protocol na ipatutupad laban sa COVID-19, may mga health personnel pa ring titingin sa kalusugan ng mga atleta.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu

Ayon sa opisyal, hindi na magsusuot ng face mask o face shield ang mga atlera subalit may isolation center pa rin sila sakaling makaranas ng health problem.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Naging basehan nila nito ay ang memorandum order ng Department of Education na pumayag ng magkaroon ng graduation ceremony na harapan at hindi na virtual tulad ng nangyari sa kasagsagan ng COVID-19.

Ookupahin ng mga atleta ang mga classrooms bilang kanilang billeting schools, bukod sa Naga City, sunod na may pinakamaraming atleta ay ang lalawigan ng Albay na siunusundan naman ng Camarines Norte.