2 construction worker, arestado sa pagsunog ng isang bahay sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Arestado rin ang dalawang construction worker dahil sa pagsunog ng mga ito sa isang bahay sa lunsod ng Legazpi.

Kinilala ang mga suspek na sina Edgardo Abocado Asejo, 49 anyos at

Jeffrey Cuario Biton, 25 anyos na parehong mga residente ng Macabuhay, Purok 6, Brgy. Bañadero ng nasabing lunsod.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Ayon sa report, nakilala ng anak ng nagmamay-ari ng bahay na si Sonia Asejo Trapalgar ang mga suspek, kung kaya’t humingi ito ng tulong sa pulisya at BFP Team ng Legazpi Fire Station upang hulihin sila.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Agad na nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga otoridad sa insidente ng arson na nagresulta sa ang pagkakaaresto sa mga suspek.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na sila ng  Legazpi CPS para sa kaukulang disposisyon.