Ilang bahagi ng kalsada sa Old Albay District, gagamitin para sa pagdiriwang ng Magayon Festival 2023

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na ilang bahagi lamang ng kalsada sa Old Albay District ang gagamitin para sa pagdiriwang ng Magayon Festival 2023.

Ayon sa alkalde, hindi lahat ng bahagi ng kalsada sa Albay District ay gagamitin ng pamahalaang panlalawigan para sa nasabing pagdiriwang, ‘pagkat ilang porsyon lamang ang pinapayagan nilang gamitin para sa aktibidad sa susunod na buwan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case
Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Aniya, kung sasakupin ng pamahalaan ang buong kalsadahan ay posibleng magkakaroon ng congestion.

Samantala, sa ngayon ay pinal na ang naging rekomendasyon ng alkalde sa pagpapagamit ng klasada para sa aktibidad.