61-anyos na lalaki, patay matapos ma-hit and run sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos umano itong ma-hit and run sa kahabaan ng Iyam Bridge, Lucena City nitong Lunes, Abril 17.

Kinilala ang biktima na si Jaime Arciaga, 61-anyos, residente ng Purok Damayan 2, Barangay Ibabang Iyam, ng naturang lungsod.

Read More:  11 arrested in suspected drug den raid in Maguindanao del Sur

Ayon sa report, binabagtas noon ng pedicab na sinasakyan ni Arciaga ang kahabaan ng ML Tagarao St. nang mabangga ng isang kotse ang likurang bahagi nito.

Dahil dito, nahulog sa kongkreto ang biktima kung kaya nagtamo ito ng mga head injuries habang tumakas naman ang hindi pa natutukoy na drayber ng kotse.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Samantala, bandang alas 11:00 ng umaga ng parehong araw, binawian rin ng buhay si Arciaga. Kasalukuyan pang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.