TNT Tropang Giga, isang panalo na lang ang kailangan upang masungkit ang kampeonato sa PBA Governors’ Cup

Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT Tropang Giga upang masungkit ang kampeonato sa PBA Governors’ Cup.

Tinalo ng TNT ang Barangay Ginebra San Miguel sa Finals Game 5, 104-95.

Read More:  Alex Eala eyes stronger US Open Run in second main draw appearance

Muling pinatunayan ni Rondae Hollis-Jefferson kung bakit siya tinanghal na Best Import, na nagtulak sa TNT sa pivotal Game 5.

Nakuha ng Tropang Giga ang 3-2 na kalamangan at planong patalsikin ang Gin Kings sa Game 6 sa Linggo.

Read More:  June Mar Fajardo eyes Gilas Farewell, makes way for next generation

Malaking dagok ang nakuha ng Ginebra nang hindi na nagawang tapusin ni resident import Justin Brownlee ang second half dahil sa pananakit ng tiyan dulot ng food poisoning.//CA