41-anyos na babae, sugatan sa pamamaril sa Lucena City

Sugatan ang isang babae matapos umano itong pagbabairlin ng hindi pa natutukoy na suspek sa Magallanes St., Barangay 7, Lucena City nitong Lunes, Abril 17.

Kinilala ang biktima na si Wilma Urlanda, 41-anyos na vendor, solo-parent,  at kasalukuyang naninirahan sa naturang lugar.

Ayon sa report, bandang alas 4:30 ng umaga, naglalakad umano noon ang biktima papunta sa kanyang trabaho nang pagbabarilin ito ng hindi pa natutukoy na suspek saka tuluyang tumakas.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Dahil dito, nagtamo ng mga tama ng bala sa baba, likod at kaliwang braso ang biktima kung kaya agad rin itong isinugod sa hospital ng isang concerned na tricycle driver.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Samantala, narekober ng SOCO ang apat (4) na basyo ng bala at isang deformed bullet na isasailalim ngayon ng Quezon Provincial Forensic Unit sa eksaminasyon.

Sa ngayon, maayos na ang kundisyon ng biktima at kasalukuyan paring naka-confine sa hospital habang nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.