NCPO, ikinabigla ang pagkakasama ng dating City Director sa makakasuhan sa umano’y P6.7 billion shabu drug bust cover up

NAGA CITY- Ikinabigla ng Naga City Police Office na kasama sa napangalanan sa 49 na pulis na maaring maharap sa kaso kaugnay ng umano’y P6.7 billion shabu drug bust cover up ang dating Acting City Director.

Matatandaan na kasama sa mga napangalanan si Former Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brigadier General Narciso Domingo sa maaring mahaharap sa administrative charges sa pagkakasangkot umano ng kaniyang mga subordinates.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay Deputy City Director for Administration PLTCOL. Honesto Garon, lalabas din naman ang totoo kung may mga dapat na makasuhan. Pero kung hindi ay dapat ma-clear na ang mga pangalan dahil apektado rin ang mga pamilya nito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Tiniyak naman ng opisyal na malinis ang operasyon nila sa lungsod. Hindi naman aniya sila na low morale dahil alam nila na nasa tamang landas ang mga opetariba at opisyal.

Si Domingo na tubong Bukidnon, 2015 nang umupo bilang Acting City Director ng NCPO.