Pinakamataas na heat index sa bansa, naitala sa Legazpi City noong Sabado

LEGAZPI CITY – Naitala ang 44°C na temperatura sa lunsod ng Legazpi noong Sabado, Abril 15 at itinuring bilang pinakamataas na heat index ayon sa DOST PAGASA Legazpi.

Sa datos ng ahensiya, pareho umanong nakapagtala ng 42°C sa mga lunsod ng Masbate at Zamboanga sa kapareho ring araw.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Dahil dito, nagbabala ang ahensya na posibleng tataas pa ang mararanasang heat index sa ilang rehiyon o lugar sa bansa.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Nararamdaman umano ng tao ang init dahil sa pinaghalong temperatura at humidity.

Sinabi ng tanggapan na ang pagsukat ng heat index ay nakukuha mula sa pag-aaral ng mga tela ng damit at kung paano pagpawisan ang tao.