Isang High School sa Puerto Princesa, ninakawan!

Pinagnakawan ng cash at mga pagkain ang Sta. Lourdes National High School sa Barangay Sta. Lourdes sa Puerto Princesa City.

Sa ulat ng Barangay, nitong Martes ng umaga, April 11 ay natuklasan ng gwardya ng  paaralan na sira na ang bakal na window grills at ang kisame ng Principals’ office kung saan posibleng dumaan ang salarin.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Tatlong classroom at canteen ang napag-alaman na pwersahang sinira  habang kinuha sa mga drawer ng teacher ang mga pera . Sa canteen ay ninakaw ang Php600 at mga pagkain at tubig.

Hindi rin nakaligtas sa kamay ng magnanakaw ang P200 sa Home economics room at P350 cash sa isa pang silid-aralan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Bunsod nito, hiniling ng pamunuan ng eskwelahan sa Barangay na magtalaga ng tanod sa paaralan tuwing gabi habang wala pa silang gwardya sa gabi.

Samantala, iniimbestigahan na ng pulisya ang  insidente.