Bagyong “Amang”, hindi nakapagtala ng casualty; pinsala sa agrikultura, pumalo sa PHP12M – OCD Bicol

LEGAZPI CITY – Kahit pa halos parang walang nangyari para sa iilan nang tumama ang bagyong “Amang” sa Bicol Region, nag-iwan pa rin ito ng pinsala pagdating sa agrikultura.

Ayon kay OCD Bicol Spokesperson, Gremil Naz, sinabi nito na walang naitalang casualty sa rehiyon kasunod ng pagtama ng nasabing bagyo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa ginawang assesment ng ahensya at LGUs, wala ring gusali o mga imprastraktura ang nasira.

Wala ring nasawing mga mangingisda, dahil maaga pa lamang ay nakapag-abiso na ang Philippine Coast Guard at barangay tungkol sa ‘no sailing policy’.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Umaabot rin sa PHP12M ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura, kung saan karamihan sa mga ito ay mula sa nasirang palayan sa Camarines Sur at Sorsogon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang assessment sa ilang lugar na naapektuhan ng bagyo.