2 pulis Angeles, relieve sa pwesto matapos maaktuhan ni RD na nag ce-cellphone sa loob ng patrol car

Agad ni-relieve sa pwesto ni Police Regional Office 3 Director PBGen Jose Hidalgo Jr. ang dalawang pulis sa Angeles city, na naaktuhan nitong busy sa cellphone habang nasa loob ng patrol car.

Sa ulat ng PRO3, napansin umano ni General Hidalgo ang nakaparadang patrol car nang mapadaan ito sa Angeles city, hinanap pa nya ang mga personnel para daw sana purihin, pero nakita nitong busy lang sa cellphone habang nasa loob ng patrol car ang dalawa.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City
Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ni hindi rin umano sya napansin ng mga ito.

Kaya agad ni-relieve sa pwesto ang mga ito at pinaaalalahanan ang iba pang pulis na iwasang gumamit ng cellphone at matulog habang nasa duty.