Paggunita sa Araw ng Kagitingan pinangunahan ni Pang. Marcos

Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa ika-81 taong Araw ng Kagitingan at 2023 Philippine Veteran’ s Week sa Mt Samat National Shrine, Pilar, Bataan kanina.

Ito ay may temang Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino na sumisimbolo umano sa kabayanihan ng mga Filipino Veterans para sa kalayaan ng bansa.

Read More:  Husband killed, wife injured in three-vehicle crash in Bacolod

Pinasalamatan nito ang mga beterano na inilaan ang buhay sa paglilingkod at katapangan para sa kalayaang tinatamasa ngayon.

Read More:  Ashfall, sulfur odor reported in parts of Negros after Kanlaon eruption

Samantala, nag-deploy ang Police Regional Office 3 ng walongdaang kapulisan para sa seguridad ng event sa Bataan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Gov. Joet Garcia