Ginang, napatay sa saksak ng kanyang mister sa Lucena City

Patay ang isang ginang matapos itong saksakin ng kanyang asawa sa Purok Sampaguita 1, Bel Air, Barangay 10, Lucena City nitong Linggo, Abril 2.

Kinilala ang biktima na si Irenia Lopez Paraiso, 60-anyos habang ang suspek naman ay si Nestor Bacus Paraiso, 61-anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa report, bandang alas 8:20 umano ng gabi nang magkaroon ng alitan ang mag-asawa tungkol sa mga bisyo ng suspek at sa problemang pampinansyal.

Read More:  57-year-old man found dead at quarry site in Lebak

Sa gitna ng pagtatalo, sinaktan ng suspek ang biktima kung kaya agad itong tumakbo at humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Nang papauwi na ang biktima kasama ang mga tanod, bigla umanong dumating ang suspek at hinawakan ang biktima saka ito sinaksak sa leeg gamit ang kutsilyo na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City

Sinubukan pa umano ng suspek na tumakas subalit nahuli rin ito ng mga tanod at itinurn-over sa Lucena City Police Station.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Parricide.