Oil spill mula sa lumubog na tanker sa Mindoro pinangangambahang umabot sa Coron, Palawan

Pinangangambahan ng mga awtoridad na umabot sa Coron, Palawan ang oil spill na nagmula sa MT Princess Empress.

Sa press briefing, inihayag ng Philippine Coast Guard , na  posibleng oil slick ang nakita humigit-kumulang 6.5 nautical miles sa silangan ng Coron gaya ng ipinapakita sa pagsusuri ng satellite images mula sa US National Oceanic and Atmospheric Administration.

Read More:  Palace to respect SC ruling on VP Sara impeachment voting rule

Naglabas din ng detalyadong mapa ang Philippine Space Agency batay sa satellite imagery mula sa ahensya at NOAA na nagpapakita ng posibleng pagkakaroon ng oil spill sa Coron.

Read More:  PNP warns police over political social media posts

Ang mga larawan ay kinuha sa iba’t ibang petsa mula Marso 26 hanggang Abril 2.

Ipinag-aalala na ngayon ng PCG  sa posibleng epekto ng oil spill sa Coron.//CA