Kamara tiniyak ang suporta sa modernization program ng AFP

Tiniyak ng kamara ang pagsuporta sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ito ay kasunod ng pagratipika sa bicameral conference committee report sa AFP modernization bill.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Hinihintay na lamang ng panukalang batas ang lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kumpiyansa si Romualdez na makatutulong ang panukalang ito upang mas mapatatag ang propesyunalismo sa AFP.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Iginiit ng mambabatas na kung wala ang kapayapaan ay hindi uunlad ang bansa kaya mahalaga ang papel na ginagampanan ng AFP upang mapanatili ito.//CA