Branch manager na tinangay umano ang kita ng burger station sa Rosario, Batangas, wanted!

Wanted ngayon sa mga awtoridad ang isang lalaking branch manager matapos umano nitong nakawin ang perang pinagbentahan sa isang burger station na kanyang pinagtatrabahuhan sa Rosario, Batangas.

Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Russle Cuenca y Nodera, 39 anyos, at residente ng Barangay Masaya ng nasabing bayan.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Ayon sa report, personal na nagtungo sa Rosario MPS ang may-ari ng nasabing burger station para isumbong ang ginawang pagnanakaw umano sa kanya ng naturang empleyado.

Lumalabas na hindi itinatala ng suspek sa tabulation report ang mga kinita ng nasabing burger station simula noong December 2022 hanggang nitong Marso 4, 2023.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Aabot sa P43,893 ang kabuuang halaga ng pera na natangay ng suspek mula sa burger station.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang naturang suspek.