Ginang, patay nang mabagsakan ng puno ng niyog sa Camarines Sur

NAGA CITY – Patay ang isang Ginang nang aksidenteng mabagsakan ng puno ng Niyog sa Balatan Camarines Sur, 10:00 kaninang umaga Marso 28, 2023.

Ayon sa ulat ng PNP, habang abala sa pamamalengke sa Balatan Open Market ang biktimang si Sherla Betara, 41-anyos ng Pagatpatan, Bato Camarines Sur ay aksidenteng natumba ang puno ng Niyog na may 8 talampakan ang taas.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Dahil rito nagtamo ng matinding tama sa ulo at batok ang Ginang dahilan upang mawalan ito ng malay.

Kaagad namang naitakbo sa pinaka malapit na clinic ang biktima na kala-una’y inilipat din sa Municipal Health Office upang malapatan ng atensyong medikal, subalit ideneklarang Dead on Arrival ng doktor.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, napag-alaman kay PCpt. Sirad Dimalna Jr. ang Deputy Chief of Police ng Balatan Municipal Police Station na natumba ang dahil sa katandaan o karupukan nito.

Wala namang ibang nasugatan sa pangyayari.