Animal quarantine checkpoint sa Villahermosa, Daraga, Albay, nagpapatuloy – MASO

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagbabantay o checkpoint ng animal quarantine ng Daraga Municipal Agricultural Services Office (MASO) at Albay Veterinary Office sa Brgy. Villahermosa sa nasabing bayan.

Ayon sa MASO, kailangan higpitan ng mga ito ang pagbabantay ng mga pumapasok na mga hayop o delivery sa bayan upang maiwasan ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF).

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ang bawat truck na pumapasok sa nasabing lugar ay hinahanapan ng kompletong dokumeto, lalung-lalo na ang nasa red zone o lugar na apektado ng nasabing sakit sa hayop.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Panawagan ng tanggapan, makipagtulungan ang bawat barangay upang maprotektahan ang livestock industry at mga maliliit na raisers o backyard raisers ng mga baboy.