Suspek sa pagpatay sa lalaking pinagtataga sa EBB, Olongapo City kamakalawa sumuko sa mga otoridad

Kinumpirma ni Olongapo City Police Office Station 1 Commander Pmaj. Exodus Rodriguez na sumuko na ang suspek sa pananaga at pagpatay sa biktimang si Hector Ramirez ng Little Baguio, East Bajac-Bajac, Olongapo City kamakalawa.

Sumuko ang suspek na si Rasslee De Leon kaninang umaga matapos umano itong kumbinsihin ng kanyang tyuhin na si Joel De Leon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nakipag-ugnayan ang pamilya ng suspek kay Punong Brgy. Gilbert Piñero na siya namang nakipag-ugnayan sa kapulisan.

Ayon kay Pmaj. Rodriguez, maayos namang sumuko sa kanila ang suspek kaninang umaga.

Kaugnay nito, nakausap rin ng BNFM ang asawa ng biktima na si Nikki Ramirez, aniya problema nila ngayon ng anak na siyam na taong gulang ang kanilang magiging buhay dahil siya ay namild-stroke na rin.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Samantala, panawagan sa publiko ng mga otoridad na iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa pangyayari.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO