Pulisya napatay ang isang lalaki matapos ang 14 na oras na standoff sa Thailand

Napatay ng mga pulis sa Thailand ang isang lalaki matapos magpaputok sa mga commando nang lusubin ang kanyang bahay matapos niyang barilin hanggang mamatay ang tatlo katao at sugatan ang tatlo pa.

Nangyari ang insidente matapos ang 14 na oras na standoff.

Read More:  Catholic priest killed after large crucifix falls on him during Mass in Ecuador

Kinilala ng Thail police ang napatay na suspek na si Anuwat Waentong, 29-anyos

Pinaputukan umano ng suspek ang mga pulis na naging dahilan upang magpaputok din ang mga awtoridad.

Read More:  17 killed, over 20 injured in stampede at India’s Durga Puja festival

Ang tatlong nasawi ay dalawang lalaki at isang motorcycle delivery driver.

Sa ulat ng Thai media, nakatakda sanang humarap sa korte ang suspek dahil sa kinakaharap niyang kaso na may kinalaman sa iligal na droga nang mangyari ang insidente.//CA