Political analyst sa Albay, nilinaw ang tungkol sa EO 138 o full devolution

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng isang political analyst mula sa lalawigan ng Albay ang tungkol sa ibinabang Executive Order No. 138 o ang Full Devolution.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Prof. Amir Solon S. Sison, political analyst mula sa Bicol University Political Department, sinabi niyang ang konsepto nito ay ang direktang distribusyon ng otoridad mula sa pamahalaang pambansa patungo sa mababa o sa lokal na lebel na pamahalaan tulad ng regional, LGU at barangay.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, ito ay maaaring reaksyon sa mga pagkukulang ng dating LGU code, kung saan sinubukang gawing centralized ang ilang state powers upang pahintulutan ang LGUs na makakuha ng mga otoridad.

Maaaring layunin umano ng utos na ito na ang mga LGUs maging hands-on sa pagbibigay ng mga basic na serbisyo.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sinabi ni Sison, maaaring mas mabigyan sila ng mga kapangyarihan o otoridad na magdikta pagdating sa kung paano nila iprisenta at ibigay ang mga basic services, dahil kung minsan, mas alam umano ng LGUs ang mga dapat ibigay na serbisyo kumpara sa national government.