Kapitolyo, dumipensa at nangako sa isyu sa sahod ng mga empleyado

Wala umanong delayed na sahod ang mga empleyado ng gusaling kapitolyo, ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco.

Sa maikling mensahe na ipinadala nito sa Brigada kanina, sinabi nito na posibleng hindi pa naka-sumite ng requirements at mga walang kontrata ngayong taon ang hindi pa sumasahod.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Idinagdag pa nito na tulad ng ipinangako nito sa Brigada Palawan ay tinitiyak umano ng Pamahalaang Panlalawigan na nakakasahod lahat ng empleyado.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Samantala, sa pahayag na ito ng opisyal ay umaasa ang aming himpilan na wala ng reklamo pa ang aming matatanggap tungkol sa isyu ng di umano’y delayed na sweldo.