Mahigit 4,000 mag-aaral sa elementarya, nabigyan ng gatas ng baka sa Camalig, Albay noong 2022 – Albay Dairy Plant

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Dairy Plant na umabot sa mahigit 4,000 mga mag-aaral sa elementarya sa Camalig, Albay ang nabigyan ng gatas ng baka noongg nagdaang taon 2022, kung saan katuwang ang Department of Education (DEPED).

Ayon kay Eng. Ninive Latigay, plant manager, nasa 20 mga paaralan sa bayan ang nakilahok sa pagbibigay ng fresh milk na mula sa kanila.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Nasa 2,000 mga mag-aaral sa kindergarten ang nabigyan ng nasabing gatas sa kaparehong bayan at mga paaralan.

Ang kakulangan, aniya, sa mga supplier ng gatas sa lalawigan at sa iba pang bahagi ng rehiyon ang nag-udyok sa kanila na mamamahagi ng mga gatas mula sa baka, at layunin din nitong matuldukan ang kakulangan sa tamang nutrisyon o malnourishment.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sinabi ni Latiga, natutugunan din ng kanilang planta ang school-based feeding programs sa mga paaralan, kahit mayroong mga pagkakataong kinukulang din ng gatas ng baka ang tanggapan sa tulong ng iba pang kooperatiba.