Binata nalunod sa Siruma , Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang isang 54-anyos na binata matapos na malunod sa Siruma, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP umalis ang biktimang si Ricky Sarmiento ng Brgy San Ramon  Siruma, nitong Lunes Marso 13 ng gabi upang pumunta’t makipag-inuman  sa  kalapit barangay na San Antonio, Tinambac sakay ng maliit na bangka o kilala sa tawag na “Paraw”.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa imbestigasyon nina PCapt. Mark Cledera  hepe ng Siruma PNP , nakarating ito sa San Antonio at pag-uwi posibleng hinampas ng malakas na alon, Marso 14 na nang matagpuan ng mga kaanak na palutang-lutang sa dagat.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Paalala ni Cledera, huwag maglayag kung masungit ang panahon lalo na kung maliit ang bangka.