Pagnanakaw sa cellphone, nahuli-cam; suspek natunton ng biktima

Naibalik na sa may-ari ngayong Huwebes ang cellphone na ninakaw mula sa isang grocery store sa Poblacion ng Aborlan, Palawan.

Ayon sa may-ari na si Kem Flores, may nakakilala kasi sa suspek sa tinutuluyang nitong boarding house na dati din umano nitong boardmate.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Tinawagan umano ang hindi pinangalanang suspek kung saan nito dinala ang cellphone ng biktima ngunit itinanggi nito ang pagnanakaw.

Kalauna’y napaamin ang suspek ngunit pinalitan na nito ang cellphone case at balak pa raw ipa-reset sa bayan ng Narra ang unit.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Kanina, sa Police Station ay naibalik na sa may-ari ang Realme C15 at nagpasya ang biktima na hindi na ito maghahain ng pormal ng reklamo sa suspek.