Kinumpirma ng Al Qaeda na namatay sa airstrike ng American troop ang isa sa senior figure ng kanilang grupo sa Yemen.
Kinilala ang nasawi na si Hamad bin Hamoud al-Tamimi na isa sa top leader ng Al-Qaeda sa Arabian Peninsula na tinukoy ng America bilang “most dangerous” branches ng teroristang grupo.
Read More: Injuries from Magnitude 7 earthquake in Tibet, China rise to 65; Death toll remains at 16
Ayon sa report, tinamaan ng drone strike ang bahay ni Tamimi sa northern Marib province sa Yemen.
Napag-alaman na si Tamimi ay nakulong nang apat na taon sa Saudi Arabia bago ito nagtungo sa Yemen noong 2013.
Si Tamimi din ang itinuturing ng kanilang grupo bilang “judge” at siya ding head ng AQAP leadership council. (LNM)
