‘Tirador’ ng sapatos sa Puerto Princesa, nahuli-cam

Sapul sa CCTV camera ang pagtangay ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang pares ng sapatos ni Prince Remon Macuja sa kanilang bahay sa Taylor Road Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Sa blotter ng barangay, ito ay nangyari bandang ala-una ng madaling araw kanina, March 4, 2023.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Makikita na dahan dahan na naglakad ang suspek at namili pa sa mga sapatos sa labas ng bahay ng biktima bago ito umalis.

Pinasok din umano ng suspek ang katabing bahay at natangay ang nasa P50,000 na halaga ng alahas.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Samantala, tumungo na sa pulisya ang biktima upang maimbestigahan at matukoy ang kawatan habang pinag-iingat ng mga barangay tanod ang mga residente kasabay ng pagtugis nila sa magnanakaw.