83 Pilipino nasa death row abroad, ayon sa DFA

Nasa 83 Pilipino sa ibang bansa ang nasa death row ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa pagdinig ng  House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni DFA Assistant Secretary Paul Cortez na ang mga Pilipinong nasa death row  ay kinabibilangan ng 56 sa Malaysia, 6 sa United Arab Emirates, 5 sa Saudia Arabia, at 15 iba pa sa Bangladesh, China, Vietnam, ang Estados Unidos, Japan, at Brunei.

Read More:  P162 million worth of kush seized from distressed yacht in Subic Bay

Ang isa pang overseas Filipino na si Mary Jane Velasco na nakatakdang bitayin noong April 2015 ay binigyan ng last minute reprieve para tumestigo laban sa mga recruiter na umano’y nanlinlang sa kanya sa drug trafficking.

Read More:  TRB orders NLEX to explain prolonged traffic caused by flooding in Pampanga

Ayon pa kay Cortez, mayroon pang 2,104 Pilipino na nakabinbin ang mga kaso sa iba’t ibang bansa kung saan 1,267 ang nakakulong habang nililitis.

Karamihan ng mga kasong ito ay sa Middle East  na may 1,824 kaso, sinundan ng Asia Pacific na 230 kaso at Americas na may 27 kaso.//CA