Divorce bills, aprubado na ‘in principle’ sa House panel

Aprubado na “in principle” ng House committee on population and family relations ang walong mga panukala para sa divorce.

Ang mga panukala ay iko-consolidate bilang substitute measure ng technical working group.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, na ang Pilipinas ang nag-iisang bansa ngayon na hindi pa legal ang divorce.

Mababatid na sa ngayon, ang tanging mga paraan para sa mga mag-asawa na maghiwalay ay separation, annulment, at dissolution of marriage.

Read More:  PAGASA tracks developing storm with potential to become a super typhoon

Lumalabas sa datos na karamihan sa mga mag-asawa ay naghain ng dissolution of marriage mula 2009 hanggang 2022.