MDRRMO Daraga, Albay, tumulong na rin sa paghahanap sa mga nawawalang mga pasahero ng Cessna 340 plane

Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Daraga, Albay na sila rin ay makikiisa na’t tutulong sa isinasagawang search and retrieval operation para sa apat na pasaherong sakay ng Cessna 340 plane.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Ayon kay MDRRM Officer Ma. Frances Moral, katuwang umano nila ang Philippine National Police (PNP), LGU Camalig, at Philippine Red Cross sa paghahanap sa Brgy. Quirangay, Camalig kung saan natagpuan ang eroplano.

Sinabi niya, ang nasabing barangay ay nasa loob nan g 6km permanent danger zone ng bulkan kung kaya’t medyo delikado rin ito para sa kanila.

Read More:  Two Davao robbery suspects arrested at Iligan checkpoint

Dagdag pa nito, nasa mahigit isang daan mga tauhan mula sa kanilang opisina ang tutulong sa nasabing operasyon.