Mahigit 1.7 Milyong turista naitala sa “Summer Capital” ng Camarines Sur noong 2022

NAGA CITY – Nakakabalik na sa dati ang turismo sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur, ang tinaguriang “Summer Capital” sa probinsya.

Ito ang masayang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Pasacao Tourism Officer Gladys Tipanero.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Katunayan hindi sila makapaniwala na umabot sa mahigit 1.7 milyong mga turista ang naitalang dumagsa sa kanilang bayan nitong 2022 kumpara sa mahigit 161, 000 lamang noong 2021, ito rin ang pinakamalaking bilang ng turistang naitala nila mula nitong mga nagdaang taon.

Kasabay nito unit-unti na ring nakakabalik ang ekonomiya ng bayan lalo na’t wala ng mga restrictions dahil sa pandemya. Paunti-unti na rin ang dagsa ng mga magbabakasyon sa kanila kahit na maulan.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Ayon pa sa opisyal, inaasahan pa nila ang mas maraming turista ngayong taon dahil wala nang restrictions.