Engineer, natagpuang patay sa loob ng sasakyan sa Taal, Batangas

Natagpuan ang bangkay ng isang engineer na may tama ng bala sa ulo habang nasa loob ng sasakyan sa Brgy. Gahol, Taal, Batangas dakong alas-5:30 ng umaga noong Sabado, Pebrero 18, 2023.

Kinilala ng Taal Municipal Police Station ang biktima na si Romwell Del Rosario y Cortez na residente ng Munlawin, San Nicolas, Batangas.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Ayon sa imbestigasyon, nakita itong wala nang buhay sa loob ng kanyang Toyota Avanza sa boundary ng Brgy. Tulo at Brgy. Gahol sa naturang bayan.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng kalibre 45 na armas.

Blangko pa ngayon ang mga otoridad sa motibo ng naturang pamamaril.