Comelec, iniulat na halos 74% nang kumpleto ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa BSKE sa Oktubre

Iniulat ng Commission on Elections na halos tapos na ang pag-imprenta ng mga official ballots na gagamitin sa October  2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Lumabas sa datos ng Comelec na hanggang nitong Sabado, February 18,  may kabuuang 49,599,193 na mga balota para sa barangay polls, o 74.06 porsyento ang naimprenta na para sa 15 rehiyon, mula sa 66,973,949 na balotang iimprenta.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting
Read More:  DTI expands areas under 60-Day Price Freeze amid Habagat, Typhoon Impact

Sa kabilang banda, may kabuuang 21,422,300 na mga balota para sa SK polls o 90.62 percent ang naimprenta, mula sa 23,639,577 na balotang iimprenta.

Nagsimulang mag-imprenta ng mga balota ang poll body noong September 2022.//CA