Estudyante patay, matapos mabanga ng pick-up

Patay ang isang motorista matapos mabanga ng pick-up sa National Highway ng  Barangay Maoyon, Puerto Princesa City mga bandang alas 12:30 ng tanghali kahapon, February 16, 2023.

Kinilala ang biktima  na si Jordan Vigo, nasa hustong gulang, estudyante at residente sa nabangit na barangay,

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Ayon kay kagawad Ricky Abadiano,  bumili  lang umano sa tindahan ang biktima sa direksyon pa south pagkatapos ay tumawid ito sakay ng kanyang motorsiklo sa kabilang bahagi ng kalsada.

Sa pagtawid ay saktong parating ang pick-up na pula na galing sa lungsod na papunta rin sa bahagi ng norte ng lalawigan.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Sinubukan pa umanong dalhin sa pinakamalapit na satellite clinic, subalit binawian na ito ng buhay.

Samantala, ang driver ng pick-up ay nasa  kustudiya na pnp para sa  kaukulang imbestigasyon.